Thursday, January 15, 2009

iSpam

Ok din pala mamblog. It takes my mind off things. Parang yung papers na dapat ginagawa. Or yung project na dapat isubmit. Eh, kalimutan na yun. Mas masaya mag type ng kung ano-ano. Parang spam lang.

Omg, im out of the circle, im on fire, im burning up, omg omg. Naalala ko tuloy yung kanta ng Super Jonas Brothers. Cool kaya yung game na yun tinatapos to dati yun sa NES family com ko dati. Super Mario Brothers cool talo ko si Bowser dun. Pero dati wala pang pangalan yun, yung kalaban lang yun sa dulo nun. Alala ko tuloy yung movie na Huling Pasada, si Mario yung lead character dun eh. Pero hindi sya tuberong tumatalon talon. Hindi rin sya pumapatay ng mga technicolor turtles at kumakain ng mushrooms. Taxi driver yun. Actually paper making dapat about that right now. Cool din mag lay down ng huge chunk of random ideas pag istressed or whatnot. Nakakasabaw, cool rin maging sabaw. Fail nga lang yung mga taong hindi nagpapakita sakin sa ym. Alam mo kung ano pa fail? Ikaw. Ahahah, i kid i kid. Alot. Actually barely ever serious ako. Kahit seryoso sinasabi ko never in a serious tone. Mahirap din ma decipher mga stuff ko. Fun naman mag try. Fun din maging emo. Gusto ko nga maging emo eh atleast sila masaya. Elmo pala yun. Yung red na demonyo sa Sesame Street. Cool din dun si Count Dracula, magaling magbilang. He likes to count everything, he counts dogs, cats, he might even count your face. Careful ka lang baka ma count ka rin nya. He sometimes counts himself when he's alone. Pero mahirap icount yung mga penguin sa movie na Happy Feet. Di ko alam kung bakit kung gusto mo matulog pinapa count ka ng sheep. Pwede naman ibang mammal. Like humans. Mammals din ang mga platypuss. Pero wierd, they have a beak, and they lay eggs. For serious. Mga shark hindi naman sila mammal pero hindi sila nag lelay ng eggs. Yack ayoko na pagusapan yung reproduction ng mga kung ano ano. Pero ok rin naman magkaroon ng random ideas. Nawawala isipan ko sa mga emo things na nangyayari sa buhay ko. Di pa naman ako super emo, nagtatagalog pa ako. Usually english lang language ng emo people. Pero di purkit nag eenglish ka emo ka. Baka magalit mga fans ko pag sabihin ko emo ka kasi english. Hindi. English ka pag emo. More specifically British. Actually ewan. Di rin ako naglalaslas. If ever naglaslas ako, by accident. Or sa ibang tao, generous ako eh. Actually congratulate kita pag nakaabot ka na sa part na to, galing mo you read through all of that nonsense. Gusto mo pa? Sige bibigyan kita. Enjoy rin ako sa Bruce Almighty na movie, may fantasy akong ako si God. Lahat naman siguro tayo at some point in our lives. Ikaw hindi? ah ok. Pag ako naging god randomly kikidlatan ko mga tao. Ahaha, fun lang yung idea na yun. Freaky nga lang. Like yung tao just doing his business then biglang tagshhboom! Fail. Minsan naisip ko rin mag shift ng course, right now ako'y BS MIS, management information systems. Di kasi ako tinanggap sa ME or CS. Cool naman. Pero enjoy rin ako with tinkering with people's brains. Psych sana. I like reading people. Bending the bars of the Johari Window. Stuff like that. Gusto ko rin sana dati mag creative writing, pero now that i see what im up against, ayoko na for serious. Yack! Bahala na si Batman. Cool yung batman movies, Batman begins, Batman returns, Batman forever. Pagmawalan na sila ng mga verb na ilagay dun sa dulo papaghalo nalang nila, something like Batman Begins to Return Forever. Ahaha, i made myself giggle. Oh you put out the fire? Kanina pa? ah ok.

Ewan ko kung good read yan or whatnot. Pero sige nagsawa na ako magsulat. GG, QQ, kk. BB.

1 comment:

  1. [Spam]
    Use: Makes you full. Depends on whatever full you want.

    3 Day Cooldown.

    ReplyDelete